<
papers. papers. papers.
parati na lang papers. malamang estudyante ako!
pero bakit nga ba ako gumagawa ng papers?
dahil requirement ito at kelangan kong maipasa ang subject na yun o dahil gusto ko at nag-eenjoy ako sa ginagawa ko?
pag gumagawa ako ng papers, wala na akong panahon para makipagkwentuhan ng may kabuluhan sa ibang tao.
nagiging wala akong kwentang kausap, walang kwenta!
at kahit di ako nagawa ng papers ay palagi naman akong stressed dahil sa papers!
kaya ang resulta, wala rin akong kwentang kasama.
gets mo?
September 19th, 2007 at 12:31 pm